CAVITE- NALAMBAT ng mga puwersa ng PNP Intelligence force at Cavite police station ang dalawang miyembro ng gun for hire syndicate sa isang police operation kamakalawa ng umaga sa Alfonso sa lalawigang ito.
Kinilala ni BGen. Antonio Yarra, Calabarzon police director, ang mga suspek na sina Eric Tanega at Edwin Montano, pawang mga residente ng Naic, Cavite.
Sa imbestigasyon ng pulisya, binayaran umano ng P20,000 sina Tanega at Montana para patayin si Manuel Mojica Barrera, 57-anyos, may- asawa kaugnay sa kaso sa lupa.
Base sa pahayag ng pulisya, pinagbabaril si Barrera ng mga suspek habang naglalakad sa Poblacion, Alfonso.
Matapos ang pamamaril mabilis na tumakas ang mga suspek subalit agad din natunton ng mga pulis ang sasakyan ng mga ito sa Naic, Cavite.
Nakuha sa dalawa ang isang .357 magnum at .9mm na baril. ARMAN CAMBE