NAARESTO ng mga operatiba ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang dalawang suspek na sangkot illegal firearms trade kasabay ng pagkakasamsam na matataas na kalibre ng armas at mga buhay na bala sa isinagawang entrapment operation sa Muntinlupa City.
Batay sa report, ang naturang operasyon ay ikinasa dakong alas-3:50 Sabado ng hapon ng mga operatiba na nagmula sa Regional Special Operations Group (RSOG) ng NCRPO sa Barangay Poblacion, Muntinlupa City kung saan naaresto ang dalawang suspek sa pag-iingat ng mga armas habang ang dalawa pang kasamahan nito ay nakatakas.
Nasamsam sa operation ang ilang high-powered firearms, kabilang ang apat na Bushmaster rifles (Caliber 5.56mm), DPMS Panther Arm (Caliber 5.56mm), M16 upper at lower receiver, isang converted air gun (Caliber .22), assorted gun parts, at several rounds ammunition, UV powder-dusted buy-bust money, na kinabibilangan ng isang genuine PHP1,000 bill at 299 pieces boodle money.
Ang confiscated evidence ay inimbentaryo “correctly, photographed, and marked in the presence of barangay officials” para matiyak ang transparency ng operation.
“This operational success highlights our unwavering commitment to safeguarding our communities in preparation for the 2025 National and Local Elections. Through the principles of AAA Policing—ABLE, ACTIVE, and ALLIED— strict adherence to police operational procedures, we will continue to uphold the highest standards of law enforcement to ensure a safer and more secure Metro Manila,” ani National Capital Region Police Office (NCRPO), Acting Regional Director BGEN Anthony A Aberin.
EVELYN GARCIA