BULACAN-UMAPELA ng tulong sa kinauukulan ang mga kaanak ng dalawang guro na inimbitahan umano ng tauhan ng municipal administrator dahil lamang sa kanilang personal na opinyon sa mga problema sa bayan ng Norzagaray.
Basa sa message ng mga kaanak at kaibigan ng mga biktima, nag-ugat ang ‘imbitasyon’ sa dalawang guro dahil sa umano’y mga post sa social media na tumutukoy sa kakulangan at kapabayaan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa implementasyon ng pagbibigay ng Social Amelioration Program.
Kinilala ang mga guro na sina Edz Caser, at Marieleth Palad, nasa hustong gulang na residente sa nabanggit na bayan.
Nabatid na matapos imbitahan at kausapin ng ABC chairmam at Municipal Administrator si Casera, dinala na siya sa police station kung saan dalawang gabi at tatlong araw siyang nanatili roon.
Samantala una ng dinala sa presinto ang 77- anyos na senior citizen na pinigil ng isang araw bago pinauwi dahil lamang sa komento nito na “isang buwan n’yo kaming pinaghintay, dalawang kilong bigas, dalawangsardinas at dalawang pakete ng noodles lang?”
Kasunod nito ang pagpigil kay Casera makaraang mag-post sa kanyang social media na pumuna sa mga “mayayaman na nakatanggap ng SAP.
Habang ang bagong panganak naman na si Palad, ay dinala rin sa PNP station, matapos kausapin ng municipal administrator at ng DSWD,dahil lamang din sa post nito sa social media na may kaugnayan sa SAP,pero kalaunan ay pinauwi na rin. THONY ARCENAL
Comments are closed.