QUEZON-NADAKIP ng mga elemento ng Philippine National Police nitong Sabado sa Atimonan sa lalawigang ito ang dalawang high ranking leader ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).
Ayon sa ulat na isinumite sa punong tanggapan ng PNP sa Camp Crame, kinilala ang mga suspek na sina Ruel Custodio o alyas “Baste”, at Ruben Istokado o alyas “Oyo” at “Miles,” kapwa wanted sa mga reklamong kidnapping at murder.
Na-recovered sa pag- iingat ng mga suspek ang 2 granada, 3 handgun, at sari-saring ammunitions.
Napag alamang si Custodio ay finance officer ng Southern Tagalog Regional Party na responsable sa pangongolekta ng “revolutionary taxes” sa Quezon province at sangkot din sa magkahiwalay na kaso ng kidnapping at illegal possession of firearms, na inihain noong 2019.
Isa naman umanong political instructor si Istokado para sa Komiteng Probinsiya 1 ng Bicol Regional Party Committee at reponsable rin sa magkahiwalay na kaso ng double murder at multiple murder, na inihain noong Setyembre 2014.
Pansamantalang dinala sa Lucena City ang dalawang CPP-NPA leader para sa booking procedure bago sila iharap sa korte. VERLIN RUIZ
Comments are closed.