2 HOLDAPER ARESTADO SA CALOOCAN

Holdaper

NASAKOTE ang dalawang umano’y notoryus holdaper matapos mambiktima sa magkahiwalay na lugar sa Caloocan City.

Sa report na nakarating sa tanggapan ni Caloocan City Police Chief Col. Restituto Arcangel, kinilala ang naarestong suspek na si Ricky Adarayan, 18 ng 14B Santol, Brgy. Potrero, Malabon City habang nakatakas naman ang hindi kilalang kasabwat nito.

Ayon sa ulat, alas-12:30 ng madaling araw, naglalakad si Ramon Ancheta, 23 ng Narra Street, Pangalo, Malabon City, sa harap ng Nice Hotel, sa Samson Road, Brgy. 78, Caloocan City nang atakehin ito ng kasabwat ni Adarayan saka kinuha ang kanyang bag na may laman cellphone at P80.

Nakahingi naman ng tulong ang biktima sa mga tauhan ng Mobile Patrol Unit na nagresulta sa pagkakaaresto kay Adarayan subalit, wala na ang kanyang mga gamit.

Dakong alas-8 naman ng gabi, minamaneho ng construction worker na si Joseph Tacmo, 31 ng Blue Meadows Stood, Balintawak Brgy. 175, Camarin, ang kanyang tricycle sa kahabaan ng Nissan St, Brixton Ville pauwi nang harangin ito ng lasing na si Aries Quimson, 28 ng Unit 101 Bldg. D NHA, Camarin Caloocan City sabay nagpahayag ng “Holdap to… akin na mga gamit nyo”.

Pinasibad ng biktima ang kanyang tricycle hanggang sa makahingi ng tulong sa duty guard ng NHA at mga barangay tanod na nagresulta sa pagka-kaaresto suspek.

Kasong robbery ang isinampa ng pulisya kontra sa mga naarestong suspek sa piskalya ng Caloocan City. EVELYN GARCIA

Comments are closed.