2 HOLDAPER TIMBUWANG SA ENCOUNTER

holdaper

DAVAO CITY – DALAWANG hinihinalang holdaper ang nasawi matapos makipag-barilan sa mga pulis sa Barangay 9-A, sakop ng lungsod na ito.

Kinilala ang isa sa napatay na si Rogelio Wenceslao, 29-anyos, at residente ng Tugbok District Davao City, batay sa ID na nakuha rito.

Ayon sa ulat, nakorner ang dalawa matapos holdapin ang biktimang si Elias Mauso, 20-anyos, sa Marfori Subdivision.

Pahayag ng pulisya na nagpaputok ang dalawa kaya gumanti ng putok ang mga operatiba ng Davao City police.

Isinugod pa sa Southern Philippines Medical Center ang dalawang suspek pero idineklarang dead on arrival.

Nakuha sa mga ito ang dalawang identification cards,   isang school ID ng biktima, isang coin purse na naglalaman ng mahigit P900, isang sachet na naglalaman ng pinatuyong marijuana leaves, isang revolver, apat na bala, isang patalim, at tatlong basyo ng bala ng 9mm. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.