PAMPANGA- NASAKOTE ng mga awtoridad ang dalawang tinaguriang high-value individuals (HVI) at nasamsam ang mahigit P1 milyong halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sa lalawigang ito.
Ayon sa pahayag ni Police Regional Office (PRO) 3 (Central Luzon) chief Brig. Gen. Jose Hidalgo na ang mga suspek ay kinilalang sina alias “Tastas”, 32-anyos, at alias “Ris”, 33-anyos na naaresto sa Barangay Quebiawan sa San Fernando City.
Nasamsam mula sa mga suspek ang 160 gramo ng shabu na may estimated street value na P1.088 million.
Nasa kustodiya na ng pulisya ang dalawang suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
EVELYN GARCIA