2 HVI,1 PA TIMBOG SA BUY BUST

LAGUNA – TIMBOG sa kagawad ng Calamba City PNP ang dalawang drug pusher na napapabilang sa High Value Individual (HVI) at isa pa nilang kasamahan matapos ang ikinasang buy bust operation sa Brgy. Real, Biyernes ng hapon.

Ayon sa ulat ni Calamba City Chief of Police Lt. Col. Arnel Pagulayan, kinilala ang mga suspek na sina Raymond Balicao, 36-anyos, (HVI) John Michael Espiritu, 20-anyos, (HVI) ng Brgy. Real at isang Mark Joseph Garcia, 22-anyos, Street Level Individual (SLI) ng Brgy Lawa lungsod na ito.

Paglabag sa Section 5, 11 and 26 of RA-9165 ang kinakaharap na kaso ni Balicao at Espiritu habang si Garcia ay Section 11 makaraang makumpiska sa mga ito ang 15 plastic sachet na naglalaman ng shabu na umaabot sa 52 gramo na may kabuuang halaga na P353,600 pisong street value at buy bust money na P1,000.

Bandang alas-4:50 ng hapon nang magkasa ng Anti-Illegal Drugs Operation (Buy Bust) sa lugar ang mga tauhan ni Pagulayan sa pamumuno ni Cpt. Marjon Fernandez at PDEA Laguna habang isa sa mga ito ang nagpanggap na poseur buyer gamit ang P1,000 kasunod ang isinagawang pag-aresto.

Lumilitaw na matagal ng target ng pulisya ang mga suspek kung saan naging matagumpay ang kanilang operasyon sa tulong na rin ng kanilang impormante. DICK GARAY

5 thoughts on “2 HVI,1 PA TIMBOG SA BUY BUST”

Comments are closed.