2 HVIs TIMBOG SA P2-M SHABU

CAVITE – AABOT sa P2.040 mil­yong halaga ng shabu ang nakumpiska sa dalawang high-value individual drug traders sa isinagawang anti-illegal drug operations ng PDEA, Cavite PPO at RPDEU sa bahagi ng Brgy. Pasong Buwaya 2 sa Imus City sa lalawigang ito ka­makalawa ng gabi.

Isinailalim na sa tactical interrogation ang mga suspek na sina Asnihaya Mimbalawag y Rinandang at Naif Am­puan Hajikasan, kapwa 20-anyos at residente ng Marawi City.

Sa police report na naisumite sa Camp Pantaleon Garcia sa Imus City, nakatanggao ng impormasyon ang mga operatIba ng PDEA kaugnay sa modus operandi ng mga suspek kaya isinailalim sa surveillance.

Nang magpositibo ang monitoring ay inilatag ang buy-bust operation kung saan nasakote ang dalawa habang nasamsam naman ang 300 gramo na shabu na nakalagay sa 2 transparent plastic.

Narekober din ang P85.5K marked money at puting Honda City na may plakang NGD2701 na gamit ng mga suspek sa drug trade.

Kasalukuyang pina-drug test ang dalawa habang isinailalim naman sa chemical analysis ang 300 shabu na gagamitin ebidensya sa pagsasampa ng kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002). MHAR BASCO