2 HVT TIMBOG SA P306-K SHABU

RIZAL- TIMBOG sa P306k halaga ng shabu ang dalawang high value target (HTV) sa isinagawang anti-drugs operation ng Provincial Intelligence Unit at Provincial Drug Enforcement Unit sa San Mateo sa lalawigang ito.

SA ulat ni SSg. Ederico Edrick Zalavaria, ng Rizal Provincial Intelligence Unit (PIU) kay Rizal PNP Provincial Director Col. Dominic Baccay, kinilala ang suspek na sina Felipe Galono y Adora alyas “Sano” at Daria Jane Dawal y Tidoy alyas “Daria”, kapwa nasa talaan ng awtoridad bilang high value target at residente ng Marang Road, Brgy. Maly ng nabanggit na bayan.

Nabatid na dakong alas-3:15 ng madaling araw nang maaresto ng PIU at PDEU sa drug operation sina Galono at Dawal sa Marang Road, San Mateo, Rizal.

Narekober sa dalawa ang 11 piraso ng shabu na nasa 45 gramo at nagkakahalaga ng P306,000.00 , isang sling bag at buy bust money.

Nakapiit na ang mga suspek sa detention cell ng pulisya ng San Mateo, Rizal. ELMA MORALES