2 IMMIGRATION OFFICERS SIBAK

SIBAK  ang dalawang Immigration personnel sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), at Clark International Airport (CIA) na pinaniniwalaang sangkot sa human trafficking.

Sa intelligence report sa Bureau of Immigration (BI), nabatid na sumasailalim sa masusing imbestigasyon ang dalawa na pansamantalang hindi ibinunyag ang mga pangalan, habang ongoing ang isinasagawang imbestigasyon laban sa dalawang suspek.

Kapag napatunayan na may kinalaman ang dalawa sa illegal activities ay sasampahan ng kaso sa Department of Justice (DOJ).

Maaring maharap sa dismissal o suspension ang mga ito.

Pansamantalang itinalaga ang dalawa sa BI main Office.

Kaugnay nito, binalaan ang mga empleyado na kakaharapin ang kaso at suspension o dismissal kapag nadawit sa ilegall na gawin sa mga paliparan. Froilan Morallos