SINIBAK sa tungkulin ang dalawang Immigration personnel sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at Clark International Airport (CIA) na pinaniniwalaan sangkot sa human trafficking.
Sa intelligence report na nakarating sa Bureau of Immigration (BI), pansamantalang hindi muna ibinunyag ang mga pangalan ng dalawa habang isinasagawang imbestigasyon laban sa mga ito.
At kapag napatunayan na may kinalaman ang dalawang Immigration officers na sangkot sa illegal activities, agad itong sasampahan ng kaso sa Department of Justice (DOJ) upang papanagutin sa kanilang nagawang kasalanan.
Nabatid na bukod sa administrative case, dismissal or suspension mula sa serbisyo sa sandaling mapatunayan na nagkasala.
Bilang preventive measures, pansamantalang itinalaga muna ang dalawa sa BI main Office habang nagpapatuloy ang imbestigasyon. FROILAN MORALLOS