2 INFRA PROJECTS NG TOURISM MATATAPOS NA

ILOCOS SUR- DALAWANG infrastructure projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang inilatag para sa mga turistang bibisita sa local destination sa north Luzon kung saan makokompleto bago magtapos ang taong 2022.

Ayon kay Region 1 Director Ronnel M. Tan, kabilang sa nasabing proyekto ang ay 85-foot Pinsal Falls sa Brgy. Baballasioan sa bayan ng Sta. Maria, Ilocos Sur na maaaring puntahan at gamitin ang multi-storey building na ginawa ng DPWH Ilocor Sur District Engineering Office.

Aabot sa P14.48 milyong pondo sa ilalim ng General Appropriations Acts of 2020 at 2021 ang inilaan para maayos ang two-storey building na may kusina, storage room at reception area sa 1st floor habang sa 2nd floor naman ay may 10 bedrooms equipped ng toilet at bathroom.

Ayon pa kay Director Tan, ang access road na patungong Tangadan Falls na local tourist hotspot sa bayan ng San Gabriel, La Union ay malapit ng matapos.

“DPWH is fast-tracking full completion of roadway leading to the main site, while other ongoing activities include roadway excavation and installation of stone masonry to protect residents and tourists from cliff hazards, especially during eainy seaaon,” dagdag pa ni Director Tan.

Maging ang 0.400-lane kilometer road na patungong Tangalan Falls ay maayos at ligtas sa mga turista makaraang pondohan ng P18 milyon sa ilalim ng Tourism Road Infrastructure Program ng Department of Tourism kung saan ipinatupad ng DPWH Convergence and Special Support Program. MHAR BASCO