MANDALUYONG CITY – SA pagpasok ng taong 2020, dalawang masuwerteng lotto bettor na mula sa Pateros, Metro Manila at Tacloban City sa Leyte ang instant milyonaryo noong Biyernes, Enero, 2020.
Kanilang paghahatian ang jackpot prize ng Mega Lotto 6/45 na umabot sa P68,523,435.40.
Ayon kay PCSO General Manager Royina M. Garma, nasungkit ng dalawa ang 6-digit lucky numbers na 21-04-25-13-11-19 na kanilang tinayaan sa lotto outlet sa Pateros, Manila at Tacloban City, Leyte.
Ang Mega lotto 6/45 ay binobola tuwing Lunes, Miyerkoles at Biyernes.
Ikinagalak naman ng PCSO ang panalo ng dalawa.
Ugaliing makibalita sa lahat ng programa ng PCSO at bisitahin ang PCSO officialwebsite na www.pcso.gov.ph para sa winning combinations at schedule ng iba pang PCSO gaming products.
Hinihikayat ni Garma na suportahan ang lahat ng laro ng PCSO upang makalikom ng pondo at masuportahan ang lahat ng charity programs at serbisyo ng ahensiya. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM