2 ISIS MEMBERS NALAMBAT SA SOUTHERN LUZON

arestado

LAGUNA – DALAWANG miyembro umano ng international terrorist na Islamic State of Iraq and Syria-Levant (ISIS) ang magkahiwalay na naaresto sa lalawigang ito at sa Quezon.

Sa Laguna, nadakip ng  pinagsanib na mi­yembro ng Regional Intelligence Division (RID) PNP-Calabarzon at ng Calamba City-PNP sa Brgy. Real, lungsod ng Calamba ang isang terorista habang idinaraos ang Araw ng mga Patay.

Bitbit ng nabanggit na operatiba ang search warrant nang magsagawa ang mga ito ng operasyon sa hinihinalang safehouse ng suspek na kinilala ni Calabarzon-PNP Director PBGen. Vicente Danao Jr. na si Bobby Gabunatan Sarip, pansamantalang naninirahan sa nasabing lugar.

Nakapalag pa ang suspek kasunod ang pag-aresto dakong alas-3:00 ng hapon.

Narekober sa suspek ang granada, IED, bandera ng ISIS, gamit sa pampasabog at subersibong dokumento.

Sa talaan, lumilitaw na si Sarip ay Media Facilitator ng kanilang grupo ng Dawla Islamiya kung saan nag-operate sa bahagi ng Calabarzon at Metro Manila makaraan ang naganap na Marawi Siege.

Bukod aniya rito ang ginagawa pa nilang recruitment kabilang ang mag-finance sa kanilang grupo ng Isis ayon sa pahayag ng ISAF o ang Intelligence Service ng AFP.

Idinagdag pa sa ulat na may mga kasama ang mga ito sa Sariaya, Que­zon at iba pang lugar kung saan may plano umanong guluhin at mag-sagawa ng pag-atake ang mga ito sa gaganapin na Sea Games sa darating na ika-30 ng kasalukuyang buwan.

Samtantala, arestado rin ng Quezon Police si Sadie Saro makaraang maglabas ng search warrant si  Judge Cynthia Marino-Recablanca Branch 27 ng Sta. Cruz, Laguna.

Ayon umano sa intelligence report plano ng grupo ni Saro na mang­gulo sa nalalapit na Sea Games na gaganapin sa bansa. May dagdag na ulat si BONG RIVERA

Comments are closed.