2 JEEPNEY DRIVER ‘BAGSAK’ SA COVID-19 RAPID TEST

rapid test

MANDALUYONG CITY – DALAWANG driver ng jeep ang nagpositibo sa rapid test sa COVID-19 sa lungsod na ito.

Target ng pamahalaang lungsod ng Mandaluyong na maisailalim sa rapid test ang 1,000 jeepney drivers.

Sa unang araw ng mass testing sa mga tsuper ng jeep, 227 ang sumalang sa rapid test at dalawa ang nagpositibo.

Ang dalawang nagpositibo ay sasailalim sa confirmatory test.

Kahapon, Hunyo 10 ang ikalawang araw ng mass testing sa mga driver kung saan target namang maisalang sa rapid test ang 277 na tsuper. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.