2 JOURNALISTS, WAGI SA NOBEL PEACE PRIZE

DALAWANG  mamahayag ang nabigyan ng Nobel Peace Prize ngayong taon, sina Maria Ressa ng Pilipinas at Dmitri Muratov ng Russia, mga mamamahayag na ipinaglalaban ang malayang pagpapahayag.

Nabigyang parangal ang dalawa bunsod ng kanilang marubdob na pagbabantay sa malayang pagpapahayag, isang pre-condition para makamit ang demokrasya at pangmatagalang kapayapaan, sabi ni Berit Reiss-Andersen, chairwoman ng Norwegian Nobel Committee.

Si Ressa ang isa sa co-founder ng Rappler, isang digital media company para sa investigative journalism samantalang si Muratov ay founder ng independent newspaper na Novaya Gazeta.

Nabanggit ni Ressa sa Norwegian TV2 na siya ay “shocked” at “emotional” sa parangal, sabi niya ito ay magbibigay ng “tremendous energy to continue the fight.”

Ang parangal ay karaniwang iginagawad tuwing ika-10 ng Disyembre. Nagkakahalaga ng 10 million kronor (980,000 Euros, $1.1 million) ang matatangap na tseke ng mga mamamahayag kasama ang diploma at gold medal.

Sa ngayon, hindi pa malinaw kung ang dalawang mamahayag ay makakabiyahe sa Oslo, Norway para makadalo ng parangal para sa Nobel Peace Prize bunsod ng pandemic o kung ang seremonya ay gagawing online na nakabatay sa desisyon ng Nobel Institute sa Oslo. RIZA ZUNIGA

Comments are closed.