2 KALSADA, 4 HIGHWAYS ISINARA DAHIL KAY EGAY

NORTHERN LUZON- LIMITADONG na ang access sa Cordillera Administrative Region (CAR), Central Mindanao (Region XII) at Region IV-B dulot ng pananalasa ng bagyong Egay.

Ito ay matapos na isara ang dalawang kalsada kabilang ang apat na highways.

Tinukoy ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang mga hindi madadaanang kalsada bilang Baguio-Bontoc Road, Mt. Data, Bauko sa Mt. Province upang matiyak ang kaligtasan ng publiko.

Kabilang din ang Awang-Upi-Lebak-Kalamansig-Palimbang-Sarangani, Brgy. Kidayan, Palimbang sa Sultan Kudarat dahil sa nasirang cross drainage at gumuhong pavement.

Samantala, sa kabila ng mga pagsasarado nagbigay naman ng DPWH ng mga sumusunod na mga kalsadang may limitadong daan sa CAR at Rehiyon IV-B:

Isang lane na madadaanan ng mga magaan na sasakyan: • Abra-Ilocos Norte Road, Cabaroan, Danglas, Abra, dahil sa gumuhong simento • Gov. Bado Dangwa National Road, Poblacion, Kibungan, Benguet, dahil sa pagguho ng lupa • Banaue-Hungduan-Benguet Boundary Road, , Bokiawan, Hungduan; at Abatan, Hungduan, Ifugao dahil sa pagbagsak ng lupa.

Passable sa mabibigat na sasakyan ang Calapan South Road, Brgy. Campaasan, Bulalacao, Oriental Mindoro dahil sa baha na bahagi ng kalsada ang mga Quick-Response Team ng DPWH ay ipinadala upang mapabilis ang mga gawaing pang-emerhensiyang pagkukumpuni at magsagawa ng mga clearing operation upang ang mga apektadong kalsada ay muling mabuksan at matiyak ang daan para sa mga pagsisikap ng gobyerno. PAULA ANTOLIN