2 KAPITAN NG BARANGAY KALABOSO SA VOTE BUYING

VOTE-BUYING

CAMARINES SUR – NAARESTO ng mga tauhan ng Criminal, Investigation and Detection Group (CIDG)- Camarines Sur ang dalawang punong barangay matapos na maaktuhang bumibili ng boto sa entrapment operation sa Brgy. Sta Lucia, Magarao.

Ang nangyaring vote buying ay may kinalaman sa gaganaping The Association of Barangay Councils o ABC election sa Camarines Sur.

Ayon kay PNP Bicol Region Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Sr. Supt. Wilson Asueta, ala-1:20 ng hapon nang isagawa ang entrapment operations sa loob ng isang resort sa Brgy. Sta Lucia Magarao.

Ikinasa ang operas­yon matapos magreklamo ang dalawa ring punong barangay na kinilalang sina Florentino Sibuc ng Brgy. Siembre at Clariño ng Brgy. San Francisco sa Bombon.

Kinilala ang mga naaresto na sina Augusto Laure, 51, ng Brgy. San Roque at Allan Vedallo, 44, ng Brgy. Pagaw.

Nakuha ng mga pulis sa sa nasabing operasyon ang P100,000 cash. SARMIENTO

5 thoughts on “2 KAPITAN NG BARANGAY KALABOSO SA VOTE BUYING”

  1. 642204 577697Superb publish from specialist also it will probably be a amazing know how to me and thanks very a lot for posting this helpful data with us all. 434998

Comments are closed.