ZAMBALES-DALAWANG notoryus na karnaper na sangkot din umano sa kidnapping for ransom ang napaslang matapos makipagbarilan sa mga pulis sa naganap na shootout sa Botolan ng lalawigang ito.
Kinilala ng pulisya ang isa sa mga nasawing suspek na si Michael Corpuz habang hindi pa natutukoy ang pagkakakilanlan ng isa pang napatay na suspek.
Sa ulat na nakarating kay acting Zambales Police Director Col. Romano Velayo Cardinio naganap ang engkuwentro bandang alas- 11:20 ng gabi sa hideout ng mga suspek sa Sitio Alao, Barangay San Juan, Botolan Zambales.
Nabatid na bukod sa kasong carnapping ay sangkot din ang mga suspek sa dalawa pang magkahiwalay na kaso ng kidnapping for ransom na dahilan upang magpalabas ng warrant of arrest ang korte laban sa mga ito.
Nakatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad kung saan magtatago ang mga suspek at nang aarestuhin ang mga ito ay biglang nanlaban at pinaputukan ng mga pulis na nauwi sa madugong enkwentro na siya nilang ikinamatay.
Nakumpiska sa crime scene ang dalawang maliit na sachet ng shabu, isang Cal.45 na baril, isang Cal.38 pistol, M-16 Bushmaster, mga bala at drug paraphernalia. ROEL TARAYAO
Comments are closed.