2 KARNAPER TIMBOG SA FOLLOW UP OPS NG NPD

carnapping

NADAKIP ng mga awtoridad ang dalawang karnaper ng motorsiklo matapos magsagawa ng follow-up operation kahapon ng madaling araw sa Caloocan City.

Ang mga suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Caloocan City Police na nakilalang sina alyas Jake Christopher, 19 at Edward Pepito, 32, kapwa taga-Darupa Road, Baesa, Quezon City.

Ala-1:00 kahapon ng madaling araw nang madakip ang mga suspect sa ikinasang follow-up operation ng mga kagawad ng Caloocan City Police sa kahabaan ng  Baesa Road, Brgy. 158 ng nabanggit na lungsod

Bunsod ng reklamo ng biktimang si Amil Basang, 26,  ng #544 Tieremas, Brgy157, Caloocan City.

Kung saan nagtungo ito sa tanggapan ng Caloocan City Police matapos nitong madiskubre na kinarnap ang kanyang motorsiklo sa naturang lugar.

Sa follow-up operation ng mga pulis ay naispatan nila ang motorsiklo ng biktima, na positibong na-identified nito  na  gamit ng mga suspect sa kahabaan ng Baesa Road ng nabanggit na lugar.

Kaagad na inaresto ng mga pulis ang mga suspect at nabawi rito ang motorsiklo ng biktima. EVELYN GARCIA/VICK TANES

Comments are closed.