SOUTH COTABATO-BULAGTA ang dalawang miyembro ng carnapping syndicate matapos na makipagbarilan sa mga operatiba ng pulisya sa bahagi ng Purok Pagasa, Barangay Caloocan sa Koronadal City ng lalawigang ito noong Huwebes ng gabi.
Kinilala ni Koronadal City Chief of Police, Lt. Colonel Joefel Siason ang isa sa napatay na si Rahib Omar Alikaya habang bineberipika pa ang kasama nitong karnaper
Base sa report, lumilitaw na nagreklamo sa himpilan ng pulisya ang biktimang si Jomar Pareno ng Purok Guanzon, Barangay Morales kaugnay sa pagkawala ng kanyang Honda XRM motorcycle na naka-park sa harap ng isang establisimiyento sa Roxas Street.
Kaagad na nagsagawa ng operasyon ang pulisya laban mga suspek na nakorner sa nasabing barangay subalit sa halip na sumuko ay pinaputukan ang mga pulis na nauwi sa shootout hanggang sa bumulagta ang dalawa karnaper.
Narekober ng mga pulis ang cellphone, identification cards, assorted documents, at ang motorsiklo ng biktima. MHAR BASCO
Comments are closed.