2 KARNAPER UTAS SA SHOOTOUT

magnanakaw

CAVITE – DALAWANG notoryus na motorcycle thieves ang napatay makaraang makipagbarilan sa mga operatiba ng pulisya sa kahabaan ng Molino Blvd.,Brgy.Niog 3, Bacoor City sa lalawigang ito kahapon ng madaling araw.

Kasalukuyang bineberipika ng pulisya ang pagkakakilanlan ng 2 napatay na sinasabing miyembro ng carnapping syndicate na may operasyon sa Metro Manila at karatig lalawigan.

Base sa police report na nakarating sa Camp Pantaleon Garcia, dumulog sa himpilan ng pulisya ang 27-anyos na biktimang si Rodolfo Manuel Sarte y Jabeguero ng Brgy. Molino 3 sa nasabing lungsod kaugnay sa pag-aaring motorsiklo na inagaw ng dalawa.

Kaagad na inalarma ang grupo ng Police Mobile Patrol para isagawa ang dragnet operation kung saan namataan naman ng pulisya ang mga suspek na lulan ng motorsiklong sinikwat.

Gayunpaman, imbes na sumuko ay nakipaghabulan sa tropa ng mobile patrol hanggang sa makorner sa nasabing Barangay kung saan sumiklab ang putukan sa pagitan ng pulisya at mga suspek.

Ilang minuto ang nakalipas ay duguang bumulagta ang dalawa na may hawak ng cal. 38 revolver at narekober ang motorsiklo na ninakaw. MHAR BASCO

Comments are closed.