PASAY CITY – ARESTADO sa buy bust operation ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Pasay City police ang dalawang suspects na kabilang sa listahan ng drug watchlist kahapon ng madaling araw sa kanilang tirahan sa lungsod na ito.
Kinilala ni Pasay police chief P/ Colonel Bernard Yang ang mga inarestong suspect na sina Bienbenido Rensales, 52, at Jocelyn Guillen, 26, kapwa residente ng Barangay 148 Zone 16, Pasay City.
Base sa report na isinumite ni Yang sa Southern Police District (SPD), matagumpay na naisagawa ang pagkakaaresto sa dalawang suspect sa pamamagitan ng buy bust operation sa kanilang tahan bandang ala-1 ng madaling araw kahapon.
Nauna rito, nakapagsagawa na ng surveillance operation ang PDEA laban sa mga suspect at ng magpositibo ang mga ito sa kanilang ilegal na gawain ay ikinasa ang naturang buy bust operation na nagdulot sa pagkakaaresto ng mga suspect.
Sa naturang operasyon ay nakarekober ang mga operatiba ng 9 plastic sachets na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu na tumitimbang ng 40 gramo na nagkakahalaga ng P275,000, isang improvised glass tube na nagsisilbing tooter, isang aluminum foil strip na may baks pa ng pinaggulungan ng shabu, 1 weighing scale, 2 disposable lighter, 1 kulay kayumanggi na monkey bagpack at ang marked money na P500.
Ang pag-iimbentaryo sa mga nakumpiska sa mga suspect ay isinagawa sa harapan ng mga opisyales ng barangay na nakasasakop sa lugar ng tirahan ng mga suspect samantalang ang nakumpiskang shabu ay itinurn-over sa SPD Crime Laboratory upang maipasailalim sa chemical analysis.MARIVIC FERNANDEZ
Comments are closed.