2 KAWANI NG PRIVATE COMPANY NA-HOLDAP, INSIDE JOB SINIS-IYASAT

Holdap

ISABELA – NAGSASAGAWA na nang masusing imbestigas­yon ang Santiago City Police Office (SCPO) ang umano’y naganap na robbery holdap sa dalawang kawani ng isang pribadong kompanya na nakahimpil sa purok 3, Rizal, Santiago City.

Ang dalawang biktima sa pangho-holdap ay sina Romel Obra, 38, may asawa at si Marione Sol Guiring, 24, kapwa empleyado ng private company.

Ayon kay P/Capt. Rommel Cansejo, Station Commander ng Police Station 1, Santiago City, sinabi niya na naganap ang umano’y pangho-holdap matapos ang malakas na buhos ng ulan kung saan brown out sa pinangyarihan ng pangho-holdap.

Sinabi pa ng awtoridad na hindi nila isina­santabi ang umano’y may posibilidad na inside job ang naganap na pangho-holdap dahil noong mga nakaraang araw ay na-holdap na rin ang isa nilang kompanya na naka-himpil sa Solano, Nueva Vizcaya.

Sinabi pa ng pamunuan ng pribadong kompanya, madalas nilang pinupuna ang kanilang mga empleyadong nag-uuwi ng cash na kita na doblehin nila ang pag-iingat upang maiwasan ang umano’y ma-holdap. IRENE GONZALES