2 KAWATAN KALABOSO,  6 SAKO NG KARNE NG MANOK NINENOK

Manok

CAVITE –  DALAWA  sa tatlong kawatan ang nasakote ng mga awtoridad makaraang makumpiskahan ng 6 sakong karne ng manok na kanilang sinikwat sa isang kilalang grocery  sa Barangay Salitran 2, Dasmariñas City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Roger Herana Astillero, 30, driver ng Bounty Fresh Foods, Inc, nakatira sa #441 Ramos Compound 5, Brgy. Talon 1, Las Piñas City; at Mark Mc James Boy Rosaries Obibe, 21, ng Papaya Street sa Villa Sto. Cristo, Brgy. Talon 5, Las Piñas City.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang isa pang suspek na si Frince Arnelio Sibuano Sibunga, 33, merchandiser at nakatira sa Blk. 6 Lot 34, Brgy San Manuel 1, Dasmariñas City, Cavite.

Sa police report na naisumite sa Camp Pantaleon Garcia, lumilitaw na nag-deliver ng saku-sakong fresh chicken sa hindi pinangalanang pamilihan  ang mga suspek, subalit ang anim na sakong manok ay iniwan sa delivery van na nagkakahalaga na P13,702.13.

Gayunman, nang inspeksyunin ng bisor na si Jay Penaflorida ang delivery ng mga manok ay nawawala ang anim na sako kaya kaagad na huminggi ng tulong sa pulisya.

Nagsagawa naman ng follow-up operation ang pulisya kung saan nadiskubre na ipinagbibili ng mga suspek ang sinikwat na manok kung saan narekober naman ang limang sako na  nasabing karne. MHAR BASCO

Comments are closed.