2 KELOT, 2 BEBOT  KALABOSO SA BUY BUST

shabu

MAKATI CITY – SWAK sa selda ang dalawang lalaki at dalawang babae sa buy bust operation sa Brgy. East Rembo kahapon ng madaling araw.

Ayon kay Makati Police chief Sr. Supt. Rogelio Simon, nasakote ang apat ng pulis na nagpanggap na buyer ng droga at nang nagkaabutan na ay saka inaresto ang target ng operasyon na nakilala lamang sa alyas Mel.

Sa naturang operas­yon sa 21st Avenue, naaktuhan naman ang tatlong iba pa na nasa gitna ng drug session.

Nakuha sa apat na suspects ang 43 sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P21,000 gayundin ang ilang drug paraphernalia.

Nabatid na isa sa mga naaresto ay dati nang nahuli dahil rin sa droga. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

One thought on “2 KELOT, 2 BEBOT  KALABOSO SA BUY BUST”

Comments are closed.