NASAKOTE ng pulisya noong Sabado, Agosto 3, ang dalawa katao kabilang ang isang binatilyo na umano’y kasapi ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army at hinihinalang kabilang sa brutal na pumaslang sa apat na pulis sa Negros Oriental noong isang buwan.
Sa ulat ng Central Visayas Regional Police Office ay kinilala ang suspek na si alyas Jojo, 19-anyos na positibo umanong kinilala ng ilang saksi.
Ayon sa pulisya, naaresto si Jojo sa Sitio Sook, Barangay Mabato, Ayugon ng nabanggit na lalawigan
Kasalukuyang sumasailalim sa tactical defriefing sa 704th Manuever Company ng Regional Mobile Force Battalion 7 (RMFB7) ang suspek.
Una rito, isang lalaki na hinihinalang kasapi ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army ang nadakip dahil sa dala nitong baril at pampasabog.
Nang magsagawa ng profiling ang awtoridad ay itinuro nito ang 19-anyos na kasamahan na sinasabing isa sa mga pumaslang sa apat na pulis.
Ang dalawa ay kapwa sinasabing kasapi ng NPA, subalit itinaggi naman ito ng mga rebelde.
Sinabi naman ni PNP spokesman Brig. Gen. Bernard Banac, isang positive development ang pagkakaaresto ng mga pulis sa dalawang suspek. VERLIN RUIZ
Comments are closed.