BATANGAS- ARESTADO ang dalawang lalaki na itinuturong pumaslang sa isang kapitan ng barangay sa Lipa City kamakalawa ng gabi.
Sa bisa ng Search Warrant naaresto sa Barangay 8 sina Wilson Manalo Asi at Adrian Taparo Cristobal .
Sa ulat ng Lipa City Police Station si alyas Asi ang itinuturong pumaslang kay Barangay Captain Cesar Dimayuga Catibog noong nakaraang Hunyo 9, 2021 matapos bumaba mula sa Barangay Patrol na kaniyang sinasakyan .
Kabilang din umano ito sa Bautista Gun-for-hire criminal group na nag-ooperate sa Batangas.
Mahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 or the Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act ang isinampa sa Lipa City prosecutor’s office kina Manalo at Taparo .
Ayon kay Calabarzon Regional Director PBGen Eliseo Cruz “We are dead serious in implementing the intensified cleanliness policy in our communities against criminals who threatens the peace and order condition in our region. Walang puwang ang mga kriminal sa ating pamayanan kaya naman nagpapatuloy ang ating pagtugis sa mga indibidwal na ito upang mabigyang hustisya ang mga biktima,”
Hinihikayat rin nito ang publiko na ireport sa mga awtoridad ang mga kahina-hinalang tao na may ginagawang illegal na aktibidad upang masugpo ang mga ito.
“We will relentlessly run after members of criminal gangs or groups in the region and dismantle their illegal activities especially that the 2022 Local and National Elections is fast approaching to pre-empt them from staging violent acts during this time,”dagdag pa ng heneral. CYRIL QUILO