BULACAN – HALOS bloated na ang katawan ng mag-iina nang matagpuan ng mga kaanak at ng mga pulis sa kanilang bahay noong Miyerkoles ng gabi sa Brgy. Kaypian sa siyudad ng San Jose del Monte.
Sa report ni Lt. Col. Orlando Castil Jr., nadakip na nila sa follow up operation ang mga suspek na sina Wilson Nolas, nasa hus-tong gulang, umano’y drug addict, asawa ng pinsan ng biktima, at Joselito Cortes, na kilalang drug user, habang kinilala ang mga biktima na sina Jaymee Casabuena Biding, 28-anyos, ina ng magkapatid na sina Anton Gabriel, 8-anyos, at Joaquin Mateo Casa-buena, 4-anyos, kapwa residente sa nabanggit na barangay.
Ayon sa awtoridad, nakatanggap sila ng tawag mula sa isa sa mga kaanak ng mga biktima ganap na alas-8:30 ng gabi kaugnay sa hindi pagsagot sa text message.
Agad pinuntahan ang tahanan ng mga biktima dito na nadiskubre na kapwa wala nang buhay ang ina at dalawang paslit na may mga tama ng saksak sa katawan.
Samantala, positibong inamin ng mga suspek na bago ang pagpatay nag-inuman muna sila sa harap at loob ng bahay ng mag-iina, at gumamit muna sila ng illegal drugs kung saan nawala na sila sa sarili na nauwi sa karumal- dumal na pamamaslang. THONY ARCENAL
Comments are closed.