DALAWANG kongresista ang nagpahayag ng pagtutol sa pagbabalik sa komite ng nakabinbin na panukalang batas sa diborsyo sa bansa sapagkat magdudulot lamang aniya ito ng patuloy na “delay” o pagkaantala sa proseso ng pag aapruba rito.
Nagpahayag ng kanyang pagtutol si Albay 1st District Representative Edcel Lagman sa motion na ibalik sa Committee on Population and Family Relations ang House Bill 9349 o “An Act Reinstituting Absolute Divorce as an Alternative Mode for the Dissolution of Marriage, ”sa plenaryo sa unang araw ng pagpapatuloy ng session ng Kamara para sa taong 2024. Subalit ang pag ulit sa motion para ibalik sa naturang komite ay muling naaprubahan ng plenaryo sa kabila ng kanyang pagtutol.
Ang naturang panukalang batas ay naaprubahan ng Committee on Population and Family Relations ng Marso ng taong 2023 upang mapag -usapan na sa plenaryo ang estado nito. Subalit ito ay nabinbin at nauna nang nai-recommit sa komite ng Disyembre 12, 2023 dahil umano sa kakulangan sa probisyon na may kinalaman sa appropriations.
Iginiit ni Lagman na ang pagbabalik nito sa komite ay kanyang tinutulan ng Disyembre subalit tila anuya hindi siya narinig ng presiding officer. Kinwestyon niya rin ang pangangailangan na muli itong pag usapan sa komite dahil lamang sa kulang sa probisyon sa appropriation na maaari naman aniyang talakayin sa plenaryo o sa bicameral. “There is no rule in the House which would require the recommitment of a bill without the appropriation language,”sabi ni Lagman.
“All other countries in the world have divorce laws.This will just delay further the divorce bill in Congress,” ang wika pa nito.
Sinegundahan naman ni Gabriela Partylist Representative Arlene Brosas ng Makabayan Bloc ang pagtutol sa pagbabalik ng naturang panukalang batas at nag-manifest ng oposisyon sa inulit na motion sa pag-recommit nito sa komite.
“We join the objection of Hon.Edcel Lagman.With regards to the recommitment of the Divorce Bill.Inaasahan po sana natin na magkakaron na ng debate dito sa plenaryo kaugnay sa divorce bill,”ang sabi ni Brosas.
Ayon kay Brosas ay matagal nang hinintay ng women advocates na nagsusulong ng divorce sa Pilipinas ang pagpasa rito.
“Kaya optimistiko na silang mapag -uusapan na ito dito.Walang reason kung bakit irerecommit uli sa committee.Ito po ay dapat pinag -uusapan na ngayon at kailangan ng mga kababaihan na nagsusulong ng pangangailangan ng Divorce Law sa ating bansa.Ito po ay pagbabalik sa Divorce Law bilang rights based option ng majority ng ating mga Pilipino.At gusto po sana naming ngayon mapag-usapan na natin,” ayon kay Brosas.
Wala aniya siyang nakikitang dahilan upang kailangang ibalik ito sa komite sapagkat ito ay dumaan sa tamang proseso.
“Malaki po ang kasalanan natin kung according sa study ng Center for Women Resources, every 14 minutes and 36 seconds, a woman is battered by her husband or partner.Matindi ang domestic violence sa atin.Not by the hour, in minutes.Kaya sa konstekto na ito.Should a woman stay in that marital relationship even if it’s abusive,disadvantaged.Hindi na po dapat yun nangyayari.Kaya dapat pag usapan na ang Divorce Bill dito,” giit ni Brosas.
Sa mga nakaraang pahayag ni Lagman, iginiit nito na ang layunin ng naturang panukalang batas ay hindi upang masira ang “marriages” o pag iisang dibdib ng mga mag asawa na mananatiling pundasyon ng pamilya at institusyon sa lipunan. Lalo na sa Pilipinas na karamihan ay Katoliko at naniniwala na hindi maaaring paghiwalayan ang pinag- isa ng Panginoon.
Ito anya ay angkop lamang sa mga mag asawang hindi na maayos ang pagsasama.“The approval of the substitute bill on absolute divorce for eventual plenary debates assures that the country is now at the threshold of joining the universality of absolute divorce in the community of nations.Divorce is not the worst thing that can happen to a family. Enduring years of physical violence, suffering emotional abuse, tolerating infidelity, allowing children to live in a hostile home and witness daily discord and constant conflict – these are far worse than divorce,”ang sinabi ni Lagman sa kanyang nakaraang pahayag.
Ma. Luisa Macabuhay-Garcia