PASAY CITY – ARESTADO ang dalawang Korean matapos mahulihan ang mga ito ng 15 pirasong pekeng Philippine money sa loob ng isang casino hotel noong Linggo ng gabi.
Kinilala ni Colonel Bernard Bernard Yang, Pasay City police chief, ang mga naaresto na sina Seong Bok Min, 52, call center manager, nakatira sa Bonifacio Global Taguig City at Cheongyeol Yun, 49, executives sa isang cosmetic trade industry at residente rin sa Taguig City.
Nahuli ang dalawa alas-7:00 ng hapon sa loob ng isang casino hotel sa nasabing lungsod.
Ayon sa pulisya, pumasok ang dalawang suspek sa naturang casino hotel upang maglaro.
Sa pahayag ni Donna Lontoc, 29, casino cashier, lumapit sa kanya ang dalawang suspek at nagpapapalit ng casino chips gamit ang counterfeit peso bills.
Ayon pa kay Lontoc, nahalata niyang peke ang P1,000 bills na ipinapapalit para sa casino chips kaya tinawag niya ang casino treasury coordinator na nagpasaklolo sa gaming duty officer upang pigilan ang dalawang suspek at sinabihan itong tumawag ng pulis. MARIVIC FERNANDEZ
Comments are closed.