MAKATI CITY – WALANG ‘foul play’ sa pagkahulog ng dalawang Koreano sa ika-30 pala-pag ng hotel kahapon sa lungsod na ito kahapon.
Kinilala ng hepe ng Makati City Police na si Sr. Supt. Rogelio Simon ang mga biktimang sina Sangjing Kim, 38 at Jang Jun, 35.
Base sa inisyal na imbestigasyon ni PO2 John Robert Baligod ng ng Makati City police, natagpuan ang lasog-lasog na bangkay ng mga biktima dakong alas-5:45 ng umaga kahapon makaraang mahulog ang mga ito mula sa ika-30 palapag ng tinu-tuluyan nilang hotel sa I’M Hotel na matatagpuan sa Kalayaan at Makati Avenue, Brgy. Poblacion.
Bago maganap ang insidente, sinabi ng ilang saksi na nakarinig sila ng isang malakas na kalabog at nang kanilang puntahan ang pinanggalingan nito ay tumambad sa kanila ang lasog-lasog na katawan ng mga biktima.
Ayon kay Baligod na siyang may hawak ng kaso, sa kanilang follow-up sa inokupahan ng mga biktima sa Room 3001, walang nakitang indikasyon na may pumasok sa kanilang kuwarto dahil nakakandado ang pinto, maayos ang lahat ng gamit sa loob ng ku-warto bukod sa dalawang upuan sa biranda.
Dagdag pa ni Baligod, ang natagpuang dalawang upuan sa biranda ang posibleng tinuntungan ng mga biktima na ginamit sa kanilang pagtalon o kaya naman ay nagbibiruan ngunit aksidente namang nahulog ang mga ito.
Napag-alaman sa pamunuan ng naturang hotel na ang mga biktima ay unang nag check- in sa junior suite ng hotel noong March 4 bago lumipat sa Premier Suite makaraan ang tatlong linggo at kanilang binayaran ang kanilang hotel bill na nagkakahalaga ng P200,000. MARIVIC FERNANDEZ
Comments are closed.