2 KOREANO NASAKOTE NG BI-FSU

INARESTO ng Bureau of Immigration (BI) Fugitive Search Unit (FSU) ang dalawang Koreano habang nagre-renew ng kanilang mga tourist visa sa BI main office sa Intramuros, Maynila.

Ayon kay Raymond Remigio, hepe ng BI tourist visa section, kinilala ang dalawa na sina alyas Lee, ee-anyos at Hwan, 60-anyos.

Nadiskobre sa data base ng Immigration na ang dalawa ay mayroon active derogatory records, dahilan upang dalhin sa BI detention Center sa Camp Bagong Diwa sa Bicutan Taguig City.

Si Lee ay may kinakaharap na kasong pandarambong sa South Korea, dahil sa pago-operate ng

Illegal gambling, habang ang isa pa ay wanted sa kanilang lugar, bunsod sa patong-patong na fraud cases.

FROILAN MORALLOS