2 KULONG SA BARIL, SHABU

NASAKOTE ang dalawang lalaki matapos makuhanan ng baril at shabu sa ikinasang follow up operations kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 at RA 9165 ang naarestong mga suspek na sina Ronel Oliva, 31-anyos at Jomar Fausto, 42-anyos, kapwa ng Brgy. 35.

Bandang alas-8 kamakalawa ng gabi nang nakatanggap si SSg Marco Despojo ng District Intelligence Division (DID) ng report mula sa kanyang regular informant na si alyas “Ambo”, leader ng “Oliva Group” ay nakitang may kausap na isang hindi kilalang lalaki sa Taguig St. Brgy. 35, Maypajo na armado ng baril.

Agad bumuo ng team ang DID sa pangunguna ni SSg Despojo saka pinuntahan ang nasabing lugar at nakita nila si alyas Ambo na nakaupo sa isang motorsiklong walang plaka habang may nakasukbit na baril.

Nang walang maipakitang kaukulang mga dokumento sa dalang baril ay inaresto si alyas Ambo ng mga pulis at narekober sa kanya ang isang Smith & Wesson magnum 22 revolver na kargado ng 3 bala, dalawang plastic sachets ng hinihinalang shabu at kulay orange na Mio Sporty na walang plaka.

Nagtangka namang tumakas ang kasamang si Fausto subalit, agad itong napigilan ng mga pulis at nang kapkapan ay nakuha sa kanya ang tatlong transparent plastic sachets ng hinihinalang shabu. VICK TANES

3 thoughts on “2 KULONG SA BARIL, SHABU”

  1. 754815 682756Oh my goodness! an exceptional post dude. Thank you Nevertheless Im experiencing dilemma with ur rss . Do not know why Cannot register for it. Could there be any person acquiring identical rss difficulty? Anybody who knows kindly respond. Thnkx 912780

  2. 484236 241195The the next occasion I read a weblog, I truly hope so it doesnt disappoint me about brussels. Come on, man, Yes, it was my option to read, but I just thought youd have some thing interesting to state. All I hear can be a great deal of whining about something which you could fix if you werent too busy looking for attention. 162083

Leave a Reply

Your email address will not be published.