2 LADY COPS NA NAKALAYA SA ASG INIHARAP KAY PDU30

DUTERTE

SULU – IPRINISINTA kay Pangulong Rodrigo Duterte ang dalawang babaeng pulis na kabilang sa mga dinukot ng Abu Sayyaf noong Abril 29 sa ba-yan ng Patikul.

Sina PO2 Benierose Alvares at PO1 Dina Gumahad ay sinundo nina Presidential Peace Adviser Jesus Dureza at PNP Chief, Dir. Gen Oscar Albayalde sa kampo ng Moro National Liberation Front na naging emisyaryo sa paglaya ng lady cops mula sa mga ban-dido.

Sa ulat, mismong ang Pangulo ang humi-ling kay MNLF Chair Nur Misuari na tumulong para mailigtas ang mga bihag ng ASG.

Ang dalawa ay dinukot sa nasabing petsa habang lulan ng tricycle pauwi mula sa Camp Teofilo Bautista.

Sinabi naman ni AFP Chief of Staff, Gen. Carlito Galvez na unang araw pa lang ay inatasan na sila ng Pangulo na iligtas ang mga bihag ng ASG kaya maigting ang operasyon noon.

Magugunitang may mga nasawi sa panig ng mga bandido habang nagsasagawa ng rescue operations ang militar. EUNICE C.

 

 

 

Comments are closed.