2 LALAKI HULI SA ARMAS AT BALA

revolver

INARESTO  ng mga tauhan ni Quezon City Police District (QCPD) Director Police Colonel Ronnie S. Montejo ang isang taxi driver at ang miyembro ng Batang City Jail dahil sa illegal possession of firearm and ammunition sa Brgy. Gulod, Novaliches.

Ayon kay Montejo,  bandang alas-10:30 ng gabi habang nagpapatrolya ang mga tauhan ng Novaliches Police Station (PS 4) sa Fo­rest Hill Drive sa Brgy. Gulod nang mapansin ang suspek na si Romy Villafranca, 36-anyos, mi­yembro ng BCJ na may nakasuksok na baril sa kanyang beywang habang nag-aantay ng mabibiktima.

Akmang dadakpin na si Villafranca ngunit nakasakay agad ito sa isang Toyota Vios taxi cab na may plate no. ABG 6091 na minamaneho ni Jayson Agarin, 30-anyos na mabilis naman na nakorner at naaresto.

Nakuha sa suspek ang isang Royal Scout caliber .38 revolver na kargado ng bala at isang  Magnum caliber 22 revolver na nakuha sa taxi ni Agarin. Dinala ang mga suspek sa Novaliches Police Station at haharap sa kasong  RA 10591 o Comprehensive Firearm and Ammunition Regulation Act. PAULA ANTOLIN

Comments are closed.