2 LALAKI HULI SA MARIJUANA | Pilipino Mirror Pilipino Mirror
MARIJUANA

2 LALAKI HULI SA MARIJUANA

QUEZON – ARESTADO ang dalawang  empleyado ng isang farm matapos mahuli na may mga tanim na marijuana sa mismong loob ng kanilang pinagtatrabahuhang farm sa Purok Sariling, Brgy.Gulang Gulang, Lucena City.

Kinilala ni Supt. Reydante Ariza hepe ng Lucena PNP ang dalawang naaresto na sina Allan Omanga, tubong Guinobatan, Albay at Michael Lavarro, tubong San Pablo City, Laguna na stay-in employee sa nasabing farm.

Batay sa report ng pulisya, napansin umano ng kapwa nila empleyado ang kakaibang kilos ng dalawang suspek at nakita nito na may mga halamang nakalagay sa paso na itinatago sa bubong kaya agad nilang ipinaalam ito sa pamunuan ng farm at agad na  itinawag ng manager sa mga opisyales ng barangay at ang mga ito naman ang nagsuplong sa mga pulis.

Nakuha sa ibabaw ng pinagtataguang bubungan ng mga suspek ang nasa 12 paso na pinagtataniman ng mga puno ng marijuana.

Nakakulong sa Lucena PNP Custodial facility ang dalawang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Section 16 Article II of RA 9165.    BONG RIVERA

0

POST A COMMENT

Your email address will not be published. Required fields are marked *

ADS