BULACAN – HULI sa entrapment operation ng operatiba ng Special Concern Unit, 301st Regional Mobile Force Battalion 3 at Bulacan 1st Provincial Mobile Force Company ang dalawang lalaki dahil sa pagtatago ng alcohol sa Brgy. Batia, Bocaue.
Sa report ni PLt/Col. Renante Pinuela kay PNP Regional Director PBGen. Rhodel Sermonia, kinilala ang nadakip na sina Emmuel Cruz at Mark Menguez David, kapwa nasa hustong gulang at residente sa nabanggit na barangay.
Nakumpiska sa lugar ang 30 galon ng isopropyl acohol, walong itim na black plastic container, 434 ng galon ng hydrobased disinfectant, 30 container ng hydro-based disinfectant na tinatayang nasa P346,650 ang halaga. THONY ARCENAL
Comments are closed.