2 LALAKI NA TUMANGAY NG MOTORSIKLO, MINALAS

MOTORNAPPING

QUEZON CITY – KAMATAYAN ang sinapit ng dalawang lalaki na kawatan  ng motorsiklo makaraang makipaghabulan sa pulis at manlaban sa Brgy. Nagkaisang-Nayon noong gabi ng Huwebes.

Ang dalawa ay ­unang iniulat na nang-agaw ng motorsiklo sa isang gasolihan sa nasabing barangay.

Dahil dito, inalerto ng pulisya ang mga checkpoint kung saan naharang ang  dalawa subalit  umiwas ang mga ito, humarurot at nang ma-corner sa isang eskinita, nakipagbarilan ang mga ito sa mga pulis hanggang sa mapatay.

Sa salaysay ng  biktima, hinihintay niya ang kanyang pinsan sa gasolinahan nang siyang lapitan at tutukan ng baril ng isa sa dalawang magkaangkas sa motorsiklo.

Wala nang magawa ang biktima kundi ibi­gay na lamang ang susi ng motorsiklo, pati na ang kaniyang cellphone.

Sinabi ni Lt. Col. Rossel Cejas, hepe ng Novaliches Station na kanyang inalerto ang mga checkpoint upang madakip ang dalawa.

“Nang nakita nila na mayroong mga pulis na nagtse-checkpoint dito sa General Luis, umikot itong dalawang suspek. Pinutukan nila ‘yung mga tropa natin hanggang sa mapunta sila sa eskinita.

Samantala, aalamin din ng pulisya kung may kinabibilangang grupo ang mga suspek.  PAULA ANTOLIN

Comments are closed.