NORTHERN SAMAR-DEAD on arrival sa pagamutan ang dalawang lalaki na tinamaan ng kidlat sa bayan ng Gamay.
Sa ulat ng Gamay Police Station , nasawi sanhi ng pagkasunog bunsod ng tama ng kidlat sina Alex Rapada, 60 Brgy. Lapinig Del Sur, bayan ng Lapinig at isang Lope Morallos, 40-anyos, residente ng Brgy. Oriental ng Gamay municipality.
Ayon kay PMaj. Arnaldo Gomba Jr., Acting Chief of Police ng Gamay PNP, kasalukuyang lulan ng isang pumpboat ang mga nasawi kasama ang tatlo pa nilang kaibigan nang biglang humagupit ang matalim na kidlat at nahagip ang mga biktima ng mataas na boltahe ng koryenteng dala ng malakas na kidlat.
Nakapagtamo ng third degree burn ang mga biktima na nagawa pang maitakbo sa pinakamalapit na ospital subalit pawang idineklarang dead on arrival. VERLIN RUIZ
Comments are closed.