CAGAYAN – PATAY ang dalawang lalaki matapos na ma-suffocate at malunod sa loob ng nililinis na septic tank sa Tuguegarao City.
Ayon sa Tuguegarao City Police Office kasalukuyang bineberipika ang sanhi ng kamatayan nina Vincent Bernales at Paul Rebato ng Caloocan City na iniulat na na-suffocate sa loob ng septic tank.
Lumilitaw sa paunang imbestigasyon na inutusan umano si Bernales kasama ang isa pang biktima na si Rebato na linisin ang septic tank ng establi-simiyento.
Natapos naman umanong malinis ang nasabing pozo negro nang biglang rumagasa ang malakas na agos ng tubig mula sa katabing pader.
Nakaligtas dapat si Bernales dahil nagawa nitong makaangat dahil sa lubid na kanilang ginagamit subalit tinangka niyang tulungan ang kasamang si Rebato kaya nahulog ulit sa loob ng tangke.
Lagpas tao umano ang lalim ng septic tank at dahil sa lakas ng daloy ng tubig mula sa adjacent wall hindi na nakalabas ang dalawang biktima.
Nagawa pang maitakbo sa pagamutan ang mga biktima ngunit kapwa idineklarang dead on arrival. VERLIN RUIZ
Comments are closed.