LAGUNA – PATAY sa magkahiwalay na pamamaril ang dalawang lalaki sa lungsod ng San Pedro at Calamba, Sabado ng gabi.
Ayon sa ulat ni Laguna PNP Public Information Officer (PIO) PLt. Col. Chitadel Gaoiran, nakilala ang biktimang sina Leo Jay Gural Matundan, 29, binata, walang hanapbuhay, residente ng Del Pilar St. Brgy. 4, Calamba, City at isang Joshua Ashley Balacuit, 24, chicken butcher, with live-in-partner at residente ng Brgy. Paliparan Dos, Dasmariñas, Cavite.
Sa imbestigasyon, sinasabing bandang alas-9:45 ng gabi habang aktong nakatayo sa gilid ng Jetti Gas Station sakop ng Brgy. 6 ang biktimang si Matundan ng biglang sumulpot ang hindi pa mabatid na bilang ng mga suspek bago ito malapitang pinagbabaril.
Binawian ng buhay habang isinusugod sa JP Rizal Hospital ang biktima bunsod ng tinamong apat na tama ng bala sa kanyang katawan mula sa kalibre 45 baril na ginamit ng suspek.
Samantala, binawian naman nang buhay sa mismong pinangyarihan ng insidente ang biktimang si Balacuit matapos tambangan at pagbabarilin ng tatlong hindi pa nakikilalang bilang ng mga suspek habang aktong naglalakad ito sa bahagi Garnett St, Brgy. Langgam, San Pedro, City dakong alas 10:40 ng gabi.
Mabilis na tumakas ang mga suspek bitbit ang ginamit na kalibre na baril patungo ng hindi pa mabatid na lugar habang ang biktima ay iniwang nakahandusay sa gilid ng kalsada.
Kaugnay nito, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa magkahiwalay na kaso ng pamamaril at posibleng pagkakakilanlan sa tumakas na mga suspek. DICK GARAY
Comments are closed.