(2 lugar sa Caloocan isinailalim sa extreme enhanced community quarantine) NAVOTAS MAY 1 KASO NA NG COVID-19

Toby Tiangco

NAITALA ang kauna-unahang kaso ng COVID-19 positive sa Navotas City noong Marso 28.

Sa post ni Mayor Toby Tiangco sa kanyang facebook account, ang PUI na namatay ay nagpositibo sa COVID-19 at inaasahan na mas darami pa ang bilang na ito dahil ang namatay ay galing sa mataong lugar.

Ang nasabing lugar naman ay parating nahuhulihan ng mga lumalabag sa enhanced community quarantine.

“Inaalam na po ng ating City Health Office kung sino-sino ang nakasalamuha nang malapitan ng taong ito noong mga panahon bago siya dinala sa ospital. Kung isa po kayo sa mga ito, kayo po ay tatawagan ng ating City Health Office,” pahayag ni Tiangco.

Sa huling ulat, ang lungsod ay may 125 PUM at 21 PUI.

Samantala, sa Caloocan City, dalawang lugar ang isinailalim sa extreme enhanced community quarantine (EECQ) at ang mga ito ay ang Phase 8 at Phase 9 sa Bagong Silang makaraang maitala ang tatlong kaso ng COVID-19. VICK TANES