HINIRANG ni Pangulong Duterte ang karagdagang dalawang bagong mahistrado sa Court of Appeals.
Ito ay sina Associate Justices Jacinto Gaviño Fajardo Jr. at Maximo Mercado De Leon.
Sila ay kapalit ng mga nagretirong sina Associate Justices Rodil Zalameda at Jane Aurora Lantion.
Si De Leon ay dating presiding judge ng Makati Regional Trial Court Branch 143 habang naging hukom naman ng Talisay Regional Trial Court Branch 66 sa Cebu si Fajardo Jr.
Sa San Beda University nagtapos ng abogasya si Fajardo Jr. habang sa naturang unibersidad naman kumuha ng Master of Law si de Leon.
Samantala, nanumpa na si bilang CA Associate Justice si Michael Pastores Ong na dating deputy executive secretary sa Malakanyang.