2 MATAAS NA OPISYAL NG NPA PATAY SA ENGKUWENTRO

LEYTE – DEAD on the spot ang dalawang lider ng New People’s Army (NPA) sa naganap na engkuwentro sa Barangay Tinag-an, Albuera, nitong Sabado.

Ayon sa pahayag ni Brig. Gen. Noel Vestuir, commander ng 802nd Infantry Brigade, ang mga nasawi ay nakilalang sina Rolando Caballera, executive committee member at high-value target, at Crispolo Agunos Jr., miyembro ng Eastern Visayas Regional Party Committee.

Sinabi pa ni Vestuir, napatay ang mga ito sa 15 minutong sagupaan sa pagitan ng 93rd Infantry (Bantay Kapayapaan) Battalion at NPA na tumutugon sa ulat ng mga sibilyan na may namataang presensya ng rebeldeng grupo sa lugar.

Aniya, nangingikil umano ang mga ito sa mga sibilyan at plano pang pumatay ng uniformed personnel at mga dating rebelde.

Bilang miyembro ng executive committee, si Caballera ang mastermind sa pagpatay ng ilang mga dating kasamahan na sumuko na sa awtoridad.

Mayroon siyang standing warrants of arrest sa iba’t ibang krimen at 15 counts ng murder na inisyu ng Regional Trial Court, Branch 18 sa Hilongos, Leyte.

“The death of these two notorious NPA terrorists is a result of the firm resolve and commitment of our people to prevent the recovery efforts of the remnants of IC-LEVOX in their community.

Through the timely information provided by some residents, we have pinpointed the area where these terrorists hide. Indeed, we attain the situation that the people are inhospitable to these NPA terrorists,” ayon kay Vestuir.

Asahan pa ang mas maraming operasyon laban sa NPA. “We want them to surrender, otherwise, we will hunt them down,” he said.

Inaasahan na hihina pa ang pwersa ng grupong kinabibilangan ng top leader ng NPA sa kanilang area of responsibility.

Samantala, narekober ng mga awtoridad ang dalawang caliber 5.56 M16 rifles, isang caliber .45 pistol, mga personal na gamit, at subersibong dokumento, na naiwan ng iba pang rebelde na nakatakas. EVELYN GARCIA