2 MATADERO NG ASO NASAKOTE NG CIDG

BULACAN- HULI sa akto ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group at ilang kinatawan ng Animal Kingdom Foundation ang dalawang lalaki habang sinusunog ang katawan ng ginilitan na aso sa bahagi ng bukid sa Brgy, Bambang sa bayan ng Bulakan sa lalawigan nito.

Sa report ni Maj. Dan August Masangkay, kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Jake Marcos, 37-anyos at Dennis Bosi, 26-anyos, kapwa Construction worker ng Purok 7 Bukid St.sa nabanggit na bayan.

Ayon kay SMSgt. Jayson Dela Cruz, nasagip nila ang apat na buhay na aso at isang kinatay na aso habang isa sa nailigtas ang agad nilagyan ng dextrose dahil sa nanghihina na ito.

Nabatid mula sa mga suspek na inoorder lamang sa kanila ang mga kinatay na aso habang nilalagay muna sa sako ang mga buhay na aso na ibinibenta sa halagang P300 hanggang P500 kada piraso depende sa laki ng aso.

Samantala sasampahan ng kasong paglabag sa RA 8485 ang mga suspek na kasalukuyang nakakulong sa CIDG detention cell. THONY ARCENAL