DALAWANG town mayor ng Basilan ang pinagbabaril ng apat na suspek kahapon ng umaga na ikinamatay ng isa sa mga ito gayundin ang security aide nito sa Zamboanga City.
Nasa kritikal na lagay naman ang isa pang mayor at kasaman nito, ayon sa pulisya.
Sa inisyal na ulat sinasabing napuruhan si Al-Barka Mayor Darussalam Lajid ng Basilan at ang kanyang driver security aide na si Barad Nuruddin.
Habang inoobserbahan pa si Akbar Mayor Alih Salih at isa pang kasama nito sa pinagdalang Ciudad Medical Hospital matapos silang tambangan sa isang eskinita malapit sa dalampasigan ng Baliwasan, isang coastal village sa Zamboanga City.
Ayon sa pahayag ng Zamboanga City Police Office tinambanganng apat na kalalakihan na nakamotorsiklo ang grupo ng dalawang alkalde pagbaba sa sinakyan nilang motor boat mula Basilan bandang alas-8:30 kahapon ng umaga.
Sa nakalap namang ulat na nakarating kay Police Maj. Chester Natividad, Police Station 11 commander, ay sinasabing may isang gunman na ang nag- aabang sa mga biktima sa isang eskinita na dinaanan ng mga bitima mula sa lihim nilang biyahe sakay ng bangka at bumaba sa malapit sa mga kabahayan.
“The victims who came from Basilan aboard a speedboat clandestinely landed among the houses and while walking towards their vehicle they were shot by one of the suspects,” ayon sa ulat.
Mabilis na tumakas ang mga hindi pa nakikilalang suspek sakay ng isang lumang Mitsubishi Adventure sport utility vehicle.
Hinihinalang politika ang pangunahging motibo sa pamamasalang ma sinang ayunan ng mga kamag anak ng mga biktima subalit hindi nila tinukoy kung sino ang posibleng utak sa likod ng ambuscade.
Nagawa pang madala sa Brent Hospital sa Zamboanga City ang mga biktima subalit agad ding nalagutan ng hininga si Lajid sanhi ng multiple bullet wounds.
Kamakailan ay nakipagkasundo si Lajid sa kampo ni Al-Barka Vice Mayor Mujib Jakilan, kasunod ito ng naganap na shootout noong buwan ng Agosto na ikinamatay ng dalawang katao at ikinasugat ng tatlong iba pa.
“[w]e all know it is political season and if they have conflict [in their areas], they are drawing their conflict here while we have no idea as to the nature of their conflict,” pahayag naman ni Natividad. VERLIN RUIZ