ZAMBALES – PATAY ang dalawang menor na lalaki nang tupukin ng apoy ang kanilang bahay sa Abra Street Extentio, Barangay Barretto sa Lungsod ng Olongapo.
Sa imbestigasyon ng awtoridad ganap na alas- 12:00 ng madaling araw nang magsimula ang sunog habang mahimbing na natutulog ang dalawang biktima.
Nabatid na wala sa bahay ang mga kapatid at magulang ng mga biktima.
Nasa edad 10 at 14, ang mga biktima ay magkatabing natutulog sa higaan na posibleng na-suffocate kaya hindi na nakalabas pa ng bahay.
May teyorya ang awtoridad na overload sa koryente ang pinagmulan ng sunog. THONY ARCENAL
Comments are closed.