NEGROS OCCIDENTAL – NAISALBA ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang dalawang menor habang naaresto ang 14 katao nang kanilang salakayin ang drug den sa San Carlos City.
Inaresto ang isang Elma Bartolin, na natukoy na nagpapanatili ng drug den sa Barangay 6, gayundin ang iba pa.
Hindi naman tinukoy ang pangalan ng dalawang menor na nasa kustodiya ng PDEA.
Mag-aalas-11:45 ng tanghali nang pangunahan ni intelligence agent Sisa Cortez ang operasyon sa nasabing lugar.
Kasama sa operasyon ang mga tauhan ng PDEA Negros Occidental Provincial Unit at Special Enforcement Team, PDEA-Iloilo at Antique teams, kung saan nasamsam ang shabu na may bigat na 20 gramo na nagkakahalaga ng P136,000. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.